![]()
Makalipas ang labingwalong buwan, nasilayan si dating Pangulong Rodrigo Duterte, sa unang pagkakataon, sa status conference ng International Criminal Court (ICC) sa kanyang kasong crimes against humanity.
Hindi gaya sa dalawang naunang hearings, hindi winaive ng 81-year-old former president ang kanyang appearance.
Itinakda sa November 30 ang pagsisimula ng paglilitis kay Duterte na nahaharap sa kasong crimes against humanity kaugnay ng umano’y mga pagpatay sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang Pangulo at alkalde ng Davao City.
Inaresto si Duterte noong March 2025 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 at kasalukuyan siyang nakakulong sa ICC Detention Centre sa The Hague, Netherlands.
