dzme1530.ph

TNT, wagi sa Asia Tour 3×3

Pinagtibay ng TNT Triple Giga ang kanilang posisyon bilang top professional 3×3 club sa Pilipinas makaraang mamayagpag sa Men’s Division ng Asia 3×3 Tour.

Wagi ang TNT sa score na 19-18 laban sa The Performance Lab Vietnam, sa pamamagitan ng game-winning putback dunk ni Raoul Odou sa Buzzer.

Sa kabila ito ng pagiging dehado ng Triple Giga makaraang ma-injured si Samboy De Leon habang anim na minuto pa ang natitira sa game.

Naiuwi ng TNT ang cash prize na 10,000 US dollars habang ang runner-up na The Performance Lab ay tumanggap ng 5,000 US dollars. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author