![]()
Tinutulan ni election lawyer Romulo Macalintal ang panukala na nagsusulong ng limang taong termino sa mga barangay at Sangguniang Kabataan officials.
Ipinarating ito ni Macalintal sa pamamagitan ng sulat kay Senate President Sherwin Gatchalian.
Nakasad sa sulat na payagang mapakinggan sa pagtalakay sa panukala ang kanilang panig kontra sa pagbabago sa termino na ang epekto ay pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakdang sa Nobyembre.
Sinabi ni Macalintal na hindi pa naipapatupad ang apat na taong termino ng mga barangay at SK officials subalit muli itong binabago ng Kongreso.
