dzme1530.ph

DATING HOUSE SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ, SASAMPAHAN NA NG KASONG PLUNDER SA SANDIGANBAYAN

Loading

Nakatakda na umanong sampahan ng kasong plunder ng Ombudsman sa Sandiganbayan si dating House Speaker Martin Romualdez.

Ito ay may kinalaman sa kaugnayan umano ni Romualdez sa mga anomalya sa flood control projects.

Una nang umapela ang kampo ng kongresista sa Ombudsman na maging patas at bigyan sila ng oportunidad na sumagot sa mga alegasyon laban sa kanya.

Ginawa ni Atty. Ade Fajardo, legal counsel at tagapagsalita ng dating kongresista ang apela kasunod ng impormasyon na pinilit umano si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan na iugnay si Romualdez sa flood control scandal.

Humiling na rin ang legal counsel ng kongresista ng impormasyon kaugnay sa sinasabing 28 testigo ng Ombudsman laban sa kanyang kliyente.

About The Author