![]()
Nakatakdang ipagdiwang ng 6cyclemind ang kanilang 25th anniversary sa pamamagitan ng free concert ngayong Setyembre.
Gaganapin ng OPM band ang libreng show sa Eton Centris sa Quezon City sa Sep. 12.
Bubuksan ng CLNO, ang bandang binuo ni former 6cyclemind member Chuck Isidro, ang concert.
Kabilang din sa naka-lineup na performers sina Gigi De Lana, Bino ng Sunkissed Lola, Hey June!, at Jet Pangan ng The Dawn.
Sinabi ng bassist na si Bobby Cañamo na bawat anniversary ay itinuturing nilang milestone.
Aniya, special milestone sa kanila ang 25 years dahil mas ramdam nila ang era na natawid ng kanilang banda.
Kabilang sa mga sikat na kanta ng 6cyclemind ay ang “Sandalan,” “Sige,” “Biglaan,” “Prinsesa,” at “Upside Down.”
