dzme1530.ph

MGA EPEKTIBONG PROYEKTO LABAN SA BAHA TULAD SA NAVOTAS, TITIYAKING MAPOPONDOHAN SA 2027 NATIONAL BUDGET

Loading

Titiyakin ni Senate Finance Committee Chairman JV Ejercito na mapopondohan sa ilalim ng 2027 national budget ang mga proyektong epektibo sa pagresolba sa problema ng bansa sa pagbaha partikular sa Metro Manila.
 
Sinabi ni Ejercito na maraming proyekto ang hindi natuloy gawin ngayong taon dahil sa zero budget sa ilalim ng 2026 matapos pumutok ang mga sinasabing ghost at substandard flood control projects.
 
Gayunman, aminado ang senador na maraming proyekto ang may magandang intensyon at tunay na epektibo laban sa baha.
 
Binanggit na halimbawa ni Ejercito ang paglalagay ng pumping station at bombastic pumps sa mga strategic locations tulad ng ginawa ni noo’y Navotas City Mayor at ngayo’y Cong. Toby Tiangco.
 
Ayon kay Ejercito, naging epektibo ang pagtugon ni Tiangco sa pagbaha sa Navotas na 70 percent ay below sea level kaya’t ginaya nila ito noon sa San Juan City noong siya ang alkalde.
 
Ipinaliwanag ni Ejercito na nakaranas din ng katulad na problema ang San Juan sa ilang mabababang barangay, kung saan maaaring manatili ang baha kahit ilang linggo nang walang ulan.
Ipinapakita anya ng pagiging epektibo ng mga istrukturang ito ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na pamumuhunan sa flood control infrastructure upang maprotektahan ang mga komunidad, kabuhayan, at buhay ng mga residente sa panahon ng malalakas na pag-ulan at high tide.

About The Author