![]()
Muling tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa pagtataya, posibleng umabot sa ₱4 hanggang ₱4.50 ang dagdag sa presyo ng bawat litro ng diesel.
Samantala, nasa ₱3.50 hanggang ₱4 naman ang increase sa bawat litro ng gasolina.
Ipinatutupad ng mga oil company ang pagbabago sa presyo ng produktong petrolyo tuwing araw ng Martes.
