dzme1530.ph

INFLATION RATE NOONG AGOSTO, BAHAGYANG BUMABA

Loading

Bahagyang bumagal ang pagtaas ng presyo ng mga produkto noong August.
 
Sa datos ng Philippine Statistics Authority o PSA, naitala ang inflation rate noong Agosto sa 6.1 percent na mababa sa 6.2 percent noong Hulyo.
 
Dahil dito, ang year-to-date average ng inflation rate ay naitala sa 5.2 percent na mataas pa rin sa ceiling ng gobyerno na two percent hanggang four percent.
 
Ayon kay National Statistician at PSA Chief Claire Dennis Mapa, ang mababang antas ng inflation noong Agosto ay dahil sa mas mabagal na pagtaas ng presyo ng food at non-alcoholic beverages na naitala sa 4.6 percent.

About The Author