![]()
Nababahala ang anti-corruption at accountability group na Artikulo 11 na posibleng mabura na ang pananagutan sa anomalya sa flood control projects.
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni Atty. JV Bautista, Artikulo 11 co-convenor, hindi sila pabor sa pagkakatanggal kay dating DPWH Secretary Manuel Bonoan bilang akusado sa kaso.
Nababahala rin si Bautista sa hangganan ng pagiging state witness ni Bonoan dahil wala itong malinaw na detalye.
Binigyang-diin ni Bautista na dapat mahigpit ang regulasyon na pinaiiral sa pagbibigay ng Estado ng state witness.
