dzme1530.ph

ALEX GONZAGA, IPINAKITA NA SA PUBLIKO ANG MUKHA NG KANYANG BABY BOY

Loading

Ipinakita ng mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada sa publiko ang mukha ng kanilang bagong silang na baby boy.
 
Sa Instagram Reel, ipinasilip nina Alex at Mikee ang ilan sa kanilang first moments bilang pamilya.
 
Sinabi ng actress-vlogger na tatlo na sila ngayon, kasama ang kanilang very own little baby boy.
 
Na-engage sina Alex at Mikee noong 2020 at ikinasal sila noong 2021.
 
Noong Mayo ay inanunsyo ng mag-asawa ang paparating nilang anak matapos danasin si Alex ng tatlong miscarriages.

About The Author