![]()
Naiwasan ng Navotas City ang matagalang pagbaha habang maraming lugar sa Metro Manila ang lumubog sa baha kasunod ng pagbuho ng napakalakas na ulan noong Aug. 29.
Nagsilbi itong aktwal na pagsubok sa flood-control system na matagal nang binuo at pinatatakbo ng lungsod.
Batay sa listahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang Navotas ang tanging lungsod sa CAMANAVA na hindi kabilang sa mga lugar na nakapagtala ng pagbaha.
Mabilis na nailabas sa Navotas ang tubig mula sa mga kalsada habang patuloy na gumagana ang pumping stations, floodgates, drainage system at mga dike na nagsilbing magkakaugnay na depensa ng lungsod laban sa malakas na ulan at high tide mula sa Manila Bay.
Para kay Navotas City Rep. Toby Tiangco, ipinakita ng naturang sitwasyon na ang tunay na halaga ng flood-control infrastructure ay nasusukat kapag dumating ang matinding ulan.
