dzme1530.ph

DALOY NG MGA SASAKYAN SA ILANG BAHAGI NG NLEX, NANANATILING MABIGAT DAHIL SA BAHA SA SAN SIMON PAMPANGA

Loading

Mabigat pa rin ang trapiko sa ilang bahagi ng North Luzon Expressway ngayong Martes ng umaga dahil sa baha sa San Simon, Pampanga.
 
Sa kabila ito ng pagpapa-divert sa ilang sasakyan patungong norte sa Santa Rita Exit simula kagabi.
 
Pinayuhan din ang mga motorista na tumahak sa Maharlika Highway patungong Central Luzon Link Expressway.
 
Tiniyak naman ng Metro Pacific Tollways Corporation na magpapatupad na sila ng flood control measures upang mapagaan ang trapiko.
 
Maglalagay ang tollway operator ng 300-meter flood control barriers sa magkabilang panig ng NLEX.

About The Author