![]()
Itinanghal ang “Sobra-Sobra” ni Carmelle Collado bilang official entry ng Pilipinas para sa unang Eurovision Song Contest Asia sa ginanap na Philippine Selection Night, kagabi, sa Quezon City.
Ang awit na isinulat nina Nica del Rosario at Mat Olavides ang magiging kinatawan ng bansa sa inaugural international competition, na gaganapin sa Bangkok, Thailand, sa Nov. 14.
Pumangalawa sa selection ang “Broken Beyond Repair” na isinulat ni Angelo Gonzales at inawit ng Saga habang ang “Mapadama” na ki-nompose nina JungeE Marcelo at Jeremy Glinoga at pinerform nina JM Dela Cerna at Marielle Montellano ay third place.
Si Carmelle ang namayagpag sa sampung acts na naglaban-laban para sa pagkakataong maging kauna-unahang representative ng Pilipinas sa Eurovision Song Contest Asia.
Si Vice Ganda ang nagsilbing main host ng Philippine Selection Night, kasama sina Darren Espanto at Alexa Ilacad bilang mga co-hosts.
