![]()
Maraming motorista pa rin ang stranded sa North Luzon Expressway o NLEX sa bahagi ng San Simon, Pampanga dahil sa pagbaha ngayong Lunes ng umaga.
Ilang mga motorista ang nagsabing umabot ng mahigit anim na oras bago sila nakatawid sa naturang lugar.
Ipinaliwanag naman ni NLEX Vice President for Traffic Operations Robin Ignacio na mataas na rin ang baha sa labas ng expressway kaya’t naapektuhan ang bahagi ng NLEX.
Nagsimula ang pagbaha noon pang Biyernes at lumala pa nitong weekend dahil sa malakas na pag-ulan.
Naglagay na ng sandbags sa gilid ng expressway at nagsasagawa na rin ng pumping operations upang mapanatiling mababa ang tubig.
