![]()
Inilarawan ni Pampanga Governor Lilia Pineda na kakaiba ang pagbahang nararanasan ngayon ng lalawigan dahil sa matinding mga pag-ulan.
Ayon kay Pineda, kakaiba ang kanilang sitwasyon ngayon dahil maging ang matataas na lugar ay binaha na rin dahil nagba-backflow ang tubig at hindi makalabas sa bahagi ng Manila Bay.
Partikular na tinukoy ng gobernador ang bahagi ng San Fernando kung saan hindi makababa ang tubig dahil puno rin ang bahagi ng Macabebe, Masantol maging ang Floridablanca at Porac.
Nahihirapan din anya silang i-pump out ang tubig sa San Simon dahil halos umiikot lamang ang tubig sa halip na humupa.
Sa ngayon, nasa 17,300 individuals ang nananatili sa 270 evacuation centers sa Pampanga.
Katumbas ito ng 4,622 families at hindi pa kasama ang mga residente na nakituloy sa bahay ng kanilang mga kamag-anak.
