![]()
Nagpakawala ng tubig ang tatlong dams sa Luzon bunsod ng patuloy na pagbuhos ng ulan.
Batay sa datos mula sa PAGASA, binuksan kaninang umaga ang walong gates ng Ambuklao Dam sa Benguet at nagpapalabas ng tubig na aabot sa 644.24 cubic meters per second.
Anim na gates naman ang binuksan sa Binga Dam sa Benguet at nagre-release ng tubig na aabot sa 410.40 cubic meters per second.
Habang isang gate ang binuksan sa Ipo Dam sa Norzagaray sa Bulacan para sa pagpapakawala ng tubig na aabot sa 34.20 cubic meters per second.
Binalaan naman ang mga nakatira malapit sa mga dams kaugnay sa posibleng pagtaas ng tubig sa mga ilog.
