dzme1530.ph

KAPANSANAN NG ISANG TAO, HINDI DAPAT GAWING PUNCHLINE, AYON SA ISANG SENADOR

Loading

NAKIKIISA rin si Senador Erwin Tulfo sa mga kumondena sa ginawang pangungutya kay Joshua Aquino sa isang podcast ng ‘Machong Chismisan,’ kung saan tinawag siya na “walang kwenta.”
 
Dismayado si Tulfo dahil kung sino ang walang kapansanan, sila pa ang tila may kakulangan sa pag-intindi at sensitivity sa mga pinagdadaanan ng mga persons with disability (PWD).
 
Tanong ni Tulfo kung nagagawa ito sa mga PWD na mula sa mga kilalang pamilya, paano ang diskriminasyon sa mga ordinaryong Pilipino na PWD?
 
Binigyang-diin ni Tulfo na hindi dapat ginagawang punchline ang kapansanan dahil hindi naman kasalanan ng isang tao na magkaroon ng kapansanan at walang puwang ang diskriminasyon para sa mga kababayan nating PWD.
 
Nangako naman ang senador na patuloy na isusulong ang mga polisiyang pro-PWD tulad ng Senate Bill No. 1405 na magtatakdang gawing lifetime na ang validity ng PWD ID ng may mga permanenteng kapansanan, gayundin ang Senate Bill No. 1830 o pagbibigay ng mas maayos na access sa mga PWD sa mga tourism site.

About The Author