dzme1530.ph

DBM, HINIMOK NA MAGING MAINGAT SA PAGBIBIGAY NG CONFIDENTIAL AT INTELLIGENCE FUNDS SA MGA AHENSYA NG GOBYERNO

Loading

HINIKAYAT ni Senate President Sherwin Gatchalian ang Department of Budget and Management na maging maingat sa alokasyon ng confidential at intelligence funds.
 
Iginiit ni Gatchalian na dapat maging maingat sa pondong ito dahil lumalabas na rin sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kung paanong naabuso ang confidential fund.
 
Binigyang-diin ng Senate leader na ang confidential at intelligence funds ay dapat ipinagkakaloob lamang sa mga enforcement agencies o mga ahensya na may lehitimong surveillance activities at hindi basta ibibigay sa kung sino man ang humihingi.
 
Sa budget hearing sa Senado, tinanong ni Gatchalian ang DBM kung paano sinasala ang mga nanghihingi ng pondo at kung ano ang patakaran nila rito.
 
Sa ilalim ng panukalang 2027 national budget, P4.3 billion ang inilaan sa confidential funds habang P6.4 billion para sa intelligence funds.
 
Sinabi naman ni Acting Budget Secretary Kim Robert de Leon na ikinukunsidera sa alokasyon ang mga mandato ng ahensya.
 
Wala anyang civilian agencies ang bibigyan ng ganitong pondo kung hindi naman nagsasagawa ng surveillance o confidential activities.
 
Tiniyak naman ni Gatchalian na muling sasalain ng Senado ang pagkakalooban ng confidential at intelligence funds sa ilalim ng 2027 budget.

About The Author