dzme1530.ph

POVERTY RATE, BUMABA SA LAHAT NG 18 REHIYON SA BANSA NOONG NAKARAANG TAON, AYON SA PSA

Loading

Bumaba ang poverty incidence sa lahat ng labingwalong rehiyon sa bansa noong 2025, batay sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA).
 
Ang latest data ay update sa 2025 Official Poverty Statistics na ni-release noong nakaraang linggo.
 
Una nang naitala ng Pilipinas ang pinakamababang poverty incidence rate na 9.7% noong nakaraang taon.
 
Ayon sa PSA, nangangahulugan ito na 6.5 milyong Pilipino ang nakaahon sa kahirapan sa pagitan ng 2023 at 2025.
 
Lumitaw din sa pinakabagong poverty data na ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang may “most notable improvement” kung saan bumaba sa 12.8% ang poverty rate mula sa 26%.
 
Samantala, ang National Capital Region (NCR), ang may pinakakaunting ibinaba sa lahat ng rehiyon na nakapagtala ng 0.6% na poverty rate mula sa 1.1%.

About The Author