dzme1530.ph

PANG-HAPONG KLASE AT TRABAHO SA MGA TANGGAPAN NG GOBYERNO SA METRO MANILA AT ILAN PANG MGA LALAWIGAN, SINUSPINDE NG MALAKANYANG

Loading

Sinuspinde ng Malakanyang ang pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan at klase sa lahat ng antas sa public at private schools sa Metro Manila at labing-anim na lalawigan, simula kaninang ala una ng hapon, dahil sa masamang panahon.
 
Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 132 na inilabas ni Executive Secretary Ralph Recto, batay sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), saklaw ng suspensyon ang mga sumusunod na lugar:
 
  • NCR
  • Abra
  • Benguet
  • Ilocos Sur
  • La Union
  • Pangasinan
  • Bataan
  • Bulacan
  • Nueva Ecija
  • Pampanga
  • Tarlac
  • Zambales
  • Batangas
  • Cavite
  • Rizal
  • Oriental Mindoro
  • Occidental Mindoro
Una nang inihayag ng PAGASA na inaasahang magpapatuloy ang mga pag-ulan sa bansa bunsod ng habagat na pinalalakas ng low pressure area.

About The Author