dzme1530.ph

DEATH TOLL SA MALA-DELUBYONG FLASH FLOODS AT LANDSLIDES SA NEPAL-TIBET BORDER, UMABOT NA SA 390; 1,400 NA IBA PA, NAWAWALA

Loading

Umakyat na sa 390 ang mga narekober na katawan habang mahigit 1,400 katao ang nawawala sa Nepal at Tibet region sa China.
 
Ito’y matapos ang napakalakas na pagbagsak ng putik at bato sa Himalayan River na nadulot ng mala-delubyong pagbaha sa iba’t ibang lugar sa Nepal-China border, ayon sa mga awtoridad.
 
Bumisita ni Chinese Premier Li Qiang ang mudslide site sa Tibet, para tingnan ang emergency rescue at relief work, isang araw matapos ang trahedya.
 
Sa ulat naman ng Nepalese Police at tourism officials, mahigit 500 foreigners ang kabilang sa 910 na nawawala sa Nepal.
 
177 sa mga ito ay mula sa India, 90 mula sa United States, 34 mula sa Australia, 33 mula sa United Kingdom, at 25 mula sa Canada.

About The Author