![]()
Bumagsak sa panibagong record low ang piso laban sa dolyar, kasunod ng mas mataas na inflation estimates mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) bunsod ng banta ng El Niño at posibleng minimum wage hikes.
Nagsara ang palitan kahapon sa ₱61.888 per dollar mula sa ₱61.65 no’ng Miyerkules.
Ito ang pinakamahinang performance ng local currency simula nang maitala ang ₱61.847 per dollar noong July 24, 2026.
Inihayag ng isang trader na nananatiling under pressure ang piso mula sa malakas na dolyar, lumobong presyo ng langis, at nagpapatuloy na geopolitical risks.
