dzme1530.ph

BILANG NG HOUSE PROSECUTION PANEL, POSIBLENG MABAWASAN

Loading

Posibleng mabawasan ang bilang ng House prosecution panel bilang hakbang sa paghihigpit na iniutos ng Senate Impeachment Court alinsunod sa Rule 18.
 
Ayon kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, wala pang pinal na desisyon ang grupo, subalit isang opsyon ay magbawas sila sa hanay ng mga abogado para gawing tagapagsalita.
 
Sa paggiit ng Rule 18, hindi na pwedeng magsalita sa media ang sino mang abogado mula sa taga-usig at depensa dahil paglabag na ito sa sub judice rule.
 
Isa pang opsyon ayon kay Adiong ay magdagdag sila ng abogado na magsasalita pero hindi kabilang sa prosecution team.
 
Sa kasalukuyan, kabuuang 26 public at private prosecutors meron ang House prosecution team, labing-isa (11) nito ay public o mga active congressmen, at labinlima (15) ang private o mga volunteer lawyers.

About The Author