dzme1530.ph

12.8% NG MGA PINOY, NAKARANAS NG PATONG-PATONG NA KAHIRAPAN SA BUHAY NOONG 2024, AYON SA PSA

Loading

Inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang kauna-unahang Multidimensional Poverty Index (MPI), kung saan 12.8% ng mga Pilipino ay “multidimensionally poor” noong 2024.
 
Sinabi ng PSA na dinevelop ang MPI para masukat ang kahirapan sa pamamagitan ng pagkonsidera sa mga kakulangan sa iba’t ibang aspeto ng kagalingan, na nagpupuno sa income-based poverty na regular na ilalabas tuwing ikalawang taon.
 
Ayon sa ahensya, ipinapakita ng MPI na bukod sa pinansyal na kahirapan, nakararanas ang mga Pilipino ng patong-patong na kakulangan sa mga pangunahing pangangailangan sa buhay.
 
Partikular na sinusukat ng MPI ang kakulangan sa edukasyon, kalusugan at nutrisyon, pabahay, tubig, sanitasyon, at trabaho.

About The Author