dzme1530.ph

MGA SENADOR NA HINDI PUMAPASOK, HINDI TUMATANGGAP NG SWELDO

Loading

KINUMPIRMA ni Senate President Sherwin Gatchalian na hindi tumatanggap ng sweldo ang mga senador na hindi pumapasok ngayon sa Senado.
 
Tinukoy ni Gatchalian sina Senators Loren Legarda na ilang beses nang nag-extend ng medical leave; ang mga nakakulong na sina Senators Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta, gayundin ang nagtatagong si Senador Ronald Bato dela Rosa.
 
Sinabi ni Gatchalian na ang sweldong hindi kinukuha ng mga senador ay maaaring ideklarang savings at gagamitin sa iba pang gastusin ng Senado.
 
Sinabi ni Gatchalian na bago pa ang medical leave ni Legarda ay alam na nilang mayroon siyang karamdaman na dapat bigyan ng atensyon.
 
Samantala, sinabi ni Gatchalian na nasa kamay ng Sandiganbayan kung papayagan sina Estrada at Marcoleta na makadalo sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

About The Author