dzme1530.ph

PAGBABAGO SA SCHEDULE NG IMPEACHMENT TRIAL LABAN KAY VP SARA DUTERTE, POSIBLENG SA SUSUNOD NA LINGGO PA IANUNSYO

Loading

Posibleng sa susunod na linggo pa magkaroon ng anunsyo ang Senate Impeachment Court sa panukalang ilipat sa hapon ang impeachment trial.
 
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni Senador Erwin Tulfo na nagkaroon na ng kasunduan ang mga senador para sa bagong schedule.
 
Binigyang-diin ni Tulfo na mahalagang maisaayos ang kanilang oras para sa impeachment trial at legislative works dahil marami rin silang mga panukalang dapat isabatas.
 
Bukod pa aniya ito sa paghimay nila sa panukalang 2027 national budget.

About The Author