dzme1530.ph

WATER LEAK SA LOOB NG ISANG BAGON NG LRT LINE 1, NARESOLBA NA

Loading

Tiniyak ng Light Rail Manila Corporation, private operator ng Light Rail Transit Line 1, na naresolba na nila ang water leak sa loob ng isa sa fourth-generation nilang train sets.
 
Sinabi ng LRMC na isolated ang nangyaring water leaks at kinumpirmang dinala na sa kanilang depot ang apektadong train set para sa comprehensive assessment.
 
Lumabas sa monitoring ng maintenance team na ang apektadong bagon ay nagkaroon ng depektibong air conditioning unit drain line valve.
 
Hindi ito inaasahan dahil ang lifespan ng line valve ay kadalasang tatlo hanggang limang taon.
 
Sa ngayon ay napalitan na ang apektadong valve at nagsasagawa na sila ng safety at maintenance checks upang matiyak ang optimal performance.

About The Author