dzme1530.ph

HOUSE PROSECUTION, BINUWELTAHAN SI VP SARA KASUNOD NG PAGPALAG NITO SA SALITANG “SCAM AT MASTERMIND” BILANG PAGLALARAWAN SA KANYA

Loading

Hindi maaaring magreklamo si VP Sara Duterte sa political theatrics, dahil siya mismo ang nagwe-weaponize nito.
 
’Yan ang bwelta ni House prosecution spokesperson Renee Co, matapos ang pagpalag ni VP Sara sa salitang “scam at mastermind” bilang paglalarawan sa kanya.
 
Ayon kay Co, pumapalag si VP Sara matapos ang bombshell presentation ng prosekusyon at mismong testimonya ng kanyang sariling mga tauhan.
 
Si Gina Acosta at Lemuel Ortonio, ayon kay Co, ang nagdiin kay VP Sara dahil utos niya lahat ang aktibidad na kinitaan ng irregular at maanomalyang aksyon kaugnay sa disbursement, utilization at reporting ng confidential funds.
 
Inaakusahan umano nito ang prosecution ng political theatrics, pero ang totoo, siya ang nagda-drama at umaasta na inosente sa mata ng publiko.
 
Ayon kay Co, hindi lamang siya mastermind sa corruption scheme na ito, kundi expert din sa pagtakas sa pananagutan.
 
Hamon naman ni Prosecutor Terry Ridon sa Bise Presidente, personal na nitong harapin ang paglilitis at huwag nang pabayaan ang kanyang mga tauhan na ginigiisa samantalang siya na head of the agency ay pabyahe-byahe lang.

About The Author