dzme1530.ph

LIZA SOBERANO AT H.E.R., IPINAGDIWANG ANG KANILANG FILIPINO ROOTS SA “FORGOTTEN ISLAND” FAN MEET

Loading

Masayang ipinagdiwang nina Filipino-American stars na sina H.E.R. at Liza Soberano ang kanilang pagiging Pilipino nang makasalamuha ang kanilang fans sa “Forgotten Island” fan meet, sa isang mall sa Pasay.
 
Sa naturang event, nabigyan ng pagkakataon ang Filipino fans na makita ang mga bida ng pelikula bago ipalabas.
 
Inilarawan nina H.E.R. at Liza ang project bilang celebration of Filipino identity, culture and community.
 
Para sa Grammy and Academy Award-winning artist na si H.E.R., ang pagiging bahagi ng “Forgotten Island” ay nagbigay sa kanya ng tsansa na ipakita ang kanyang Filipino roots sa big screen.
 
Sinabi naman ni Liza na natutuwa siyang maipa-panood ang kanilang pelikula sa Filipino audiences.
 
Inamin din ng aktres na may partikular na puwang sa kanyang puso ang “Forgotten Island” dahil nag-audition siya para sa proyekto sa mahalagang punto ng kanyang buhay at career.

About The Author