dzme1530.ph

TYPHOON SAUDEL, PUMASOK NA SA PAR; TINAWAG NA BAGYONG OBET

Loading

Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm Saudel, kaninang 1:20 ng hapon at tinawag itong Bagyong Obet.
 
Una nang inihayag ni Weather Specialist Aldczar Aurelio, batay sa forecast track, inaasahang magiging super typhoon ito sa sandaling pumasok sa PAR.
 
Gayunman, sinabi ni Aurelio na inaasahang bukas din ay nasa labas na ito ng bansa.
 
Samantala, binabantayan din ang Tropical Storm Gaenary (dating Bagyong Neneng), na nasa labas ng PAR at mababa ang tsansa na pumasok muli sa bansa.
 
Idinagdag ng PAGASA na patuloy na iiral ang habagat sa Luzon sa susunod na apat na araw.

About The Author