![]()
Naalarma ang pamunuan ng San Lazaro Hospital sa Maynila sa pagloob ng kaso ng leptospirosis, sa pagsasabing malapit na nilang maabot ang full capacity.
Ayon kay Dr. David Suplico, San Lazaro Hospital Medical Center Chief, sa kasalukuyan ay nag-o-operate ang kanilang emergency room ng 300% to 500% ng kanilang capacity dahil sa dami ng pasyente.
Aniya, mayroong 87 leptospirosis patients sa ospital, kung saan 26 ang severe condition, kabilang ang mga nakararanas ng hirap sa paghinga at nangangailangan ng dialysis.
Tatlong pasyente rin ang nasawi mula Aug. 19 hanggang 22 dahil sa naturang sakit.
Inaasahan din ng San Lazaro Hospital na madaragdagan pa ang kanilang mga pasyente sa mga susunod na araw dahil sa mga pagbaha noong nakaraang linggo.