dzme1530.ph

ALAMIN ANG PANGANIB NG MOLD TOXICITY MATAPOS ANG BAHA

Loading

Nagbabala ang mga eksperto sa kalusugan na maaaring tumaas ang panganib ng mold exposure at paglala ng hika sa mga pamilyang naglilinis ng mga bahay na nabaha.
 
Ayon sa mga doktor, ang mold o amag ay mabilis tumubo sa mga basang dingding, kahoy, karpet at muwebles sa loob ng 24 hanggang 48 oras matapos ang baha.
 
Ang mga spores nito ay maaaring malanghap at magdulot ng ubo, paghingal, sipon, pamumula ng mata at pag-atake ng hika, lalo na sa mga bata, matatanda at may dati nang sakit sa baga.
 
Pinapayuhan ang publiko na magsuot ng mask, guwantes at boots habang naglilinis, at siguraduhing tuyuin at maayos na mapa-ventilate ang mga silid.
 
Inirerekomenda rin ang pagtatapon ng mga materyales na hindi na kayang linisin kapag matindi na ang pagkakaamag.
 
Kung makaranas ng matinding hirap sa paghinga, tuloy-tuloy na ubo o pagsikip ng dibdib matapos malantad sa amag, mahalagang magpakonsulta agad sa doktor o pinakamalapit na health center upang maiwasan ang mas malubhang komplikasyon.

About The Author