dzme1530.ph

ALAMIN KUNG NAKAKATULONG NGA BA SA PAGKONTROL NG BLOOD SUGAR ANG SHIRATAKI RICE

Loading

Ang shirataki rice ay isang alternatibong pagkain sa kanin na ginagawa mula sa konjac o konnyaku root.
 
Kilala ito sa napakababang calorie at carbohydrate content dahil karamihan ng taglay nitong carbohydrates ay nagmumula sa glucomannan, isang uri ng soluble fiber.
 
Dahil mataas sa fiber at mababa sa digestible carbohydrates, maaaring makatulong ang shirataki rice sa pagpapanatili ng blood sugar at sa pagpaparamdam ng pagkabusog.
 
Maaari rin itong maging opsyon para sa mga nagbabawas ng calorie at carbohydrates sa kanilang diet.
 
Pero paalala ng mga health expert, hindi dapat ituring na “miracle food” ang shirataki rice.
 
Mas mainam pa rin ang balanse at masustansyang diet na may sapat na protein, gulay, prutas at iba pang pinagmumulan ng nutrients.
 
May ilang tao rin na maaaring makaranas ng kabag, pagkabusog o iba pang digestive discomfort kapag biglang dumami ang intake ng fiber.
 
Kaya pinapayuhan ang publiko na uminom ng sapat na tubig at unti-unting dagdagan ang fiber sa diet.
 
Mahalaga ring basahin ang nutrition label dahil nagkakaiba ang nutritional content ng mga produktong shirataki rice na nabibili sa pamilihan.

About The Author