![]()
Muling ilalagay sa red at yellow alert status ang Visayas ngayong Lunes dahil sa limitadong power supply.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, ipatutupad ang yellow alert status mula 2 p.m. hanggang 5 p.m. at 8 p.m. hanggang 9 p.m.
Ang red alert naman ay ipatutupad mula 5 p.m. hanggang 8 p.m.
Sa datos, ang available capacity ng grid ay 2,312 megawatts habang ang peak demand ay umaabot sa 2,395 megawatts.
