dzme1530.ph

LUXURY CAR NG AKTOR NA SI DEREK RAMSAY, KUKUMPISKAHIN NG BOC

Loading

Kukumpiskahin ng Bureau of Customs ang sinasabing misdeclared car na isinuko ng aktor na si Derek Ramsay.
 
Ayon kay Bureau of Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, magpapalabas sila ng warrant to seize laban sa Porsche 918 Spyder na isinuko ng aktor sa Land Transportation Office.
 
Una rito, naharang ang sasakyan dahil sa paggamit ng pekeng plaka.
 
Sinabi ni Nepomuceno, kapag natapos ang proseso ng seizure proceedings ay mapapasakamay na ng gobyerno ang sasakyan at isasalang sa auction.
 
Tiniyak ng opisyal na hindi sisirain o wawasakin ang sasakyan at hindi rin ido-donate.
 
Sa record, ang sasakyan ay inimport noong 2021 at nasa pagitan ng 50 hanggang 100 million pesos ang halaga.
 
Subalit, ayon kay Nepomuceno, idineklara ito noon na nasa sampung milyong piso lamang kaya’t kakasuhan din ng BOC ang importer, shipper at consignee, gayundin ang customs officer na nangasiwa sa deklarasyon ng imported car.

About The Author