dzme1530.ph

BUDGET HEARING SA KAMARA, MULING UMARANGKADA

Loading

Umarangkada muli ang budget hearing sa Kamara matapos na makansela ito noong nakaraang linggo dahil sa masamang panahon.
 
Unang isinalang alas-nuwebe ng umaga kanina ang PAGCOR, kung saan si Chairperson at CEO Alejandro Tengco ang humarap bilang head of the agency.
 
Alas-onse ng umaga, sumalang din ang DTI, at dumalo si Sec. Ma. Christina Roque at lahat ng opisyal ng DTI.
 
Ala-una ngayong hapon, sasalang din si Department of Justice Sec. Frederick Vida at mga undersecretaries nito.
 
Ganap na alas-tres ng hapon ay ang PCSO naman ang sasalang at si Chairperson Felix Reyes ang haharap na opisyal.
 
Huling tanggapan na sasalang ngayong araw ay ang DOST na pinamumunuan ni Sec. Renato Solidum Jr.
 
Ang Marcos administration ay humihingi ng P7.2-T budget para sa buong taon ng 2027.

About The Author