![]()
Matapos ang dalawang araw na suspensyon dahil sa pag-ulan, umarangkada na ang ika-17 araw ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Muling sumalang sa witness stand ang dating Special Disbursing Officer ng Office of the Vice President na si Gina Acosta.
Si Acosta ang unang hostile witness na iniharap ng House Prosecution Team.
Ipinagpapatuloy ni Atty. Amando Virgil Ligutan ng Prosecution Team ang direct examination kay Acosta hinggil sa paggamit ng confidential fund ng OVP.
Una nang inamin ni Acosta na nag-withdraw siya sa loob ng isang araw ang 125 million confidential funds noong December 20, 2022 na inilagay sa apat na itim na traveling bags.
Kinumpirma rin ni Acosta na ipinag-utos ni Vice President Sara Duterte na i-release ang pera sa head ng security ng Bise Presidente na si Col. Raymund Dante Lachica.
