dzme1530.ph

ATENEO DE ZAMBOANGA UNIVERSITY, MAGPAPATUPAD NG GRADUAL O UNTI-UNTING PAGBABALIK ESKWELA

Loading

Magpapatupad ang Ateneo de Zamboanga University (ADZU) ng unti-unting pagbabalik sa eskwela para sa grade school at junior high school students kasunod ng shooting incident, habang patuloy ang pagbibigay ng paaralan ng psychosocial support sa mga mag-aaral, mga pamilya, at personnel.
 
Sinabi ni ADZU President Father Guillrey Anthony Andal na mananatiling suspendido ang klase simula Aug. 24 hanggang 28.
 
Simula Sept. 1 to 4, inatasan ang mga mag-aaral na lumahok sa non-academic activities sa pamamagitan ng alternative learning modality na nakatutok sa emotional well-being, reconnection and readiness na bumalik sa paaralan.
 
Idinagdag ni Andal na maraming mga estudyante at personnel ang ipinoproseso pa rin ang insidente, at sa pamamagitan ng temporary suspension ay mabibigyan ng suporta ang mga nangangailangan nito habang naghahanda ang faculty at staff para sa maingat at maayos na pagbabalik-eskwela.

About The Author