dzme1530.ph

PILIPINAS, NAITALA ANG PINAKAMABABANG POVERTY RATE NA 9.7% NOONG 2025

Loading

Naitala ng Pilipinas ang 9.7% poverty incidence rate noong 2025.
 
Ayon sa Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev), ito ang “lowest-ever” rate, kung saan naabot ang single-digit target sa ilalim ng Philippine Development Plan (PDP) tatlong taon bago ang schedule.
 
Batay sa 2025 full-year poverty statistics na ni-release ng Philippine Statistics Authority (PSA), sinabi ng DepDev na 6.5 milyong Pilipino ang naiahon sa kahirapan sa pagitan ng 2023 hanggang 2025.
 
Ito ay nang bumaba ang bilang ng mga Pilipino na nabubuhay sa below poverty threshold na 14,634-peso monthly income na may limang miyembro ng pamilya, sa 11 million noong 2025 mula sa 17.5 million noong 2023.
 
Binigyang-diin ni DEPDev Secretary Arsenio Balisacan na ang pag-abot sa milestone na ito bago ang schedule ay pagpapakita ng paglawak ng economic opportunities na sinamahan ng epektibong social protection.

About The Author