![]()
Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang September 14, 2026 bilang special non-working day sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao kasabay ng first regular parliamentary elections.
Ang deklarasyon ay nakapaloob sa Proclamation No. 1395 na nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto noong August 18.
Ang unang parliamentary elections sa BARMM ay na-reset sa September 14 sa ilalim ng Republic Act 12317 na nag-amiyenda sa Bangsamoro Organic Law.
Orihinal na naka-schedule ang halalan noong Marso subalit ipinagpaliban ito nang maglabas ng ruling ang Korte Suprema na nagdeklara na hindi bahagi ng rehiyon ang Sulu.
Una nang nangako ang Pangulo na titiyakin ang matagumpay at mapayapang halalan sa BARMM.
