dzme1530.ph

PAMAMARIL SA PAARALAN SA ZAMBOANGA CITY, PINAIIMBESTIGAHAN NI PANGULONG MARCOS JR.

Loading

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang law enforcement agencies na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa shooting incident sa Ateneo de Zamboanga University, na ikinasawi ng dalawang estudyante.
 
Sa statement, nagpaabot ang Pangulo ng pakikiramay sa mga pamilya at sa buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University bunsod ng trahedya, kasabay ng pagsasabing hindi dapat ito nangyari.
 
Ginarantiyahan ng Pangulo ang pakikipagtulungan ng pamahalaan sa mga paaralan at komunidad upang palakasin ang mga hakbang na magpo-protekta sa mga mag-aaral at matiyak na maipagpapatuloy ang kanilang pag-aaral nang walang pangamba.
 
Binigyang-diin ng Pangulo na bawat pamilyang Pilipino ay karapat-dapat na mabigyan ng naturang kasiguraduhan.

About The Author