![]()
Nag-share sa Cinemalaya trophy para sa Best Actress in a Leading Role sina Pokwang at Ruby Ruiz ngayong taon.
Nanalo si Pokwang, sa ilalim ng kanyang totoong pangalan na Marietta Subong, sa kanyang pagganap sa “Two Valid IDs,” habang si Ruby ay nagwagi sa kanyang “Status: Rejected.”
Nasungkit din ng “Two Valid IDs” ang Audience Choice Award at Special Jury Prize, habang naiuwi ng “Status: Rejected” ang NETPAC Jury Award.
Samantala, itinanghal si Martin del Rosario bilang Best Actor in a Leading Role, sa kanyang mahusay na pagganap bilang gay man sa “Tayo Lang ang Nakakaalam.”
Panalo rin ang naturang pelikula ng Best Cinematography at Best Sound.
