![]()
Tuluyan nang kinansela ni House Speaker Faustino Bojie Dy III ang sesyon ngayong hapon, August 18.
Sa memorandum na inilabas ni House Sec. Gen. Cheloy Garafil, ang masungit na panahon pa rin ang pangunahing dahilan ng kanselasyon.
Sa kautusan kahapon ni Dy, virtual ang sesyon ngayong araw gayundin ang mga public hearings, habang ang mga empleyado ng Kamara ay work-from-home arrangement.
Sa amended memorandum, tanging ang sesyon lamang ang kinansela habang mananatili ang lahat ng kautusan sa August 17 memo.
Kagabi, una nang inanunsyo ni Rep. Mikaela Suansing na kanselado na ang budget hearing ngayong Martes at muli itong isasagawa sa Lunes, August 24.
