dzme1530.ph

SHOOTING INCIDENT SA ATENEO DE ZAMBOANGA, PINABUBUSISI

Loading

UMAPELA si Senate President Sherwin Gatchalian sa mga awtoridad na busisiin nang mabuti ang naganap na shooting incident sa loob ng Ateneo de Zamboanga University.
 
Kasabay nito, hiniling din ng Senate leader sa Department of Education at sa lokal na pamahalaan na magsagawa ng agarang psychosocial support para sa iba pang mga mag-aaral at mga tauhan ng paaralan.
 
Sinabi ni Gatchalian na kailangan ng malinaw na sagot kung paano nakuha at naipasok ng shooter ang dalawang baril sa loob ng school premises.
 
Nagpaabot din ng pakikiramay ang senador sa buong Ateneo de Zamboanga community kasabay ng pagtiyak na makikipagtulungan sa sektor ng edukasyon upang masugpo ang mga karahasan sa mga paaralan.
 
Sa panig ni Senate Committee on Basic Education Chairman Bam Aquino, inamin niyang nakakadurog ng puso ang karahasan sa paaralan.
 
Bilang isang magulang anya ay nakapanlulumo na malaman na ang espasyo kung saan nabubuo ang pag-asa at pangarap ay nagiging lugar ng takot at karahasan.
 
Nangako ang senador na gagawin ang lahat upang hindi na maulit ang insidente.

About The Author