dzme1530.ph

MABAGAL NA PAGGASTOS NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE, PINUNA

Loading

Pinuna ni Federation of Free Farmers Chairperson Leonardo ‘Ka Leony’ Montemayor ang kabagalan ng Department of Agriculture sa paggastos ng kanilang pondo para sa mahahalagang programa.
 
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni Montemayor na bagama’t halos dumoble ang pondo ng DA simula nang manungkulan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang tanong ngayon ay kung nagagastos ba ito nang tama at maayos.
 
Pinuna rin ng dating kalihim ng DA ang dami ng opisyal ng ahensya subalit hindi pa rin maayos na naipatutupad ang mga programa.

About The Author