dzme1530.ph

DOTr AT IBA PANG MGA AHENSYA, MAY LIBRENG SAKAY NGAYONG MARTES

Loading

Magbibigay ang Department of Transportation (DOTr) at iba pang mga ahensya ng libreng sakay ngayong Martes, simula ala sais ng umaga hanggang alas otso ng gabi.
Sinabi ng DOTr na posibleng palawigin pa ang oras kung kinakailangan.
 
Sinabi ng ahensya na ang programa ay alinsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking lahat ng pasahero ay mayroong transportasyon, lalo na sa maraming lugar sa Metro Manila na nakararanas ng pagbaha bunsod ng malakas na ulan.
 
Inihayag ni Transportation Secretary Giovanni Lopez na 43 vehicle assets ng pamahalaan ang ide-deploy para tulungan ang mga commuter na stranded.
 
Prayoridad anya nila na makapasok at makauwi nang ligtas ang mga pasahero.
 
Kabilang sa iba pang government agencies na makikibahagi sa programa ay ang Office of the President, Philippine Coast Guard, Philippine Ports Authority, Civil Aviation Authority of the Philippines, Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Department of Energy, Department of Labor and Employment, at Philippine Army.

About The Author