![]()
Masyado pang maaga para mag-endorso ng kandidato para sa 2028 presidential elections.
Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasabay ng pagtitiyak na pipiliin niya ang pinakamagaling na posibleng kandidato na maaaring magpatuloy ng anti-corruption measures na sinimulan ng kanyang administrasyon.
Sa ngayon anya ay iisa pa lamang ang nagpahayag ng intensyong tumakbo sa susunod na halalan, na tila tumutukoy kay Vice President Sara Duterte.
Gayunman, sinabi ni Marcos na marami pang political events na maaaring mangyari bago ang 2028 national elections, sa kabila ng naglalabasang resulta ng mga survey.
Idinagdag ni Marcos na wala pa siyang nakakausap na sinuman at inalok kung gustong kumandidato bilang pangulo.
