dzme1530.ph

Hindi pag-extend sa deadline ng sim registration, suportado ni Rep. Herrera

Naniniwala si House Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon Party-list Representative Bernadette Herrera na hindi na palalawigin ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang deadline ng SIM registration sa April 26.

Kumpiyansa si Herrera na ito ay mag-oobliga sa publiko na magparehistro na para hindi ma-deactivate ang kanilang mga numero.

Kasunod nito, hinimok ni Herrera ang telecommunication companies na kanselahin ang leave ng kanilang mga empleyado para maasistehan ang mga hahabol na magparehistro sa kanilang mga branches, service outlets, at service kiosks. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author