Umapela si Assistant Minority Leader at Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na sertipikahang “urgent” ang mga panukalang batas na may layong mapataas ang sahod ng mga manggagawa sa bansa.
Ayon kay Brosas, dapat maikasa na agad ang across the board wage increase dahil sa patuloy na pagsirit ng presyo ng mga bilihin at krisis sa ekonomiya.
Ani Brosas, gumawa ng kongkretong hakbang ang pamahalaan para matugunan ang hiling na umento sa sahod ng mga manggagawa.
Matatandaang inihain ni Brosas ang House Bill 7568 o ang ₱750 across-the-board and nationwide wage increase para sa mga empleyado ng pribadong sektor. —sa panulat ni Jam Tarrayo