dzme1530.ph

PINAY TENNIS SUPERSTAR ALEX EALA, AGAD SASABAK SA CANADIAN OPEN

Loading

Nabigyan ng tsansa si Alex Eala para makabawi kay American tennis player Alycia Parks.
 
Sisimulan ng Pinay tennis sensation ang kanyang kampanya sa 2026 Canadian Open laban kay Parks ngayong Miyerkules o bukas.
 
Muling maghaharap sina Eala at Parks, halos pitong buwan na ang nakalipas mula nang una silang maglaban sa court sa first round ng Australian Open noong January.
 
Sa naturang match, natalo ang bente uno anyos na Pinay sa score na 0-6, 6-3, 6-2, at maagang nagpaalam sa tournament.
 
Kamakailan lamang ay nasungkit ni Eala ang kauna-unahang WTA Tour title sa Mubadala DC Open matapos padapain sa final si Jessica Pegula ng US.

About The Author